-- Advertisements --

Pinabulaan ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang ngayo’y kumakalat na impormasyon na ibinasura umano ng bansang The Netherlands ang kanyang asylum application.

Sa isinapublikong pahayag, kanyang binigyang diin na walang katotohanan ang sinabi ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pinaniniwalaan nitong ‘denied’ ang kanyang aplikasyon.

Aniya’y pangalawa na umano ito ng naturang kalihim buhat ng kanyang sabihin na mayroon din siyang ‘multiple passports’.

Kaya’t itinuring niya ang mga impormasyong ‘denied’ ang kanyang aplikasyon na isang uri lamang ng ‘fake news’ o maling balita.

Kung saan hindi iginiit pa ng naturang abogado na hindi niya na ito ikinagugulat lalo na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa ni Atty. Harry Roque na siya’y nagtungo lamang sa bansang Germany para sa isang aktibidad kasama ang ilang mga kababayang Pilipino.

Nakabalik naman na araw siya sa The Hague, Netherlands na siyang kanyang tinutuluyan habang wala sa Pilipinas.

Giit pa niya’y hindi naman raw kailangan pang hanapin o tukuyin ang lokasyon kung nasaan siya dahil sa ibinubulgar at isinapubliko naman niya ito.