-- Advertisements --

Kinantiyawan na lamang ni dating Presidential spokesperson Harry Roque ang naging pahayag ni Justice Secretary Jesus Remulla na nabasura umano ang kaniyang asylum application sa the Netherlands.

Sinabi ni Roque na isang ‘fake news’ ang pahayag ni Remulla dahil sa hindi isinasapubliko ng Dutch government ang mga dokumento sa mga nag-aapply ng asylum.

Ang pagtungo nito sa Germany ay naiplano na ng matagal at personal na lakad ito.

Giit nito na dapat ay laging maingat ang kalihim sa pangangalap ng impormasyon lalo na at dalawang beses na itong naloko ng fake news na ang una ay marami umano itong gamit na passport subalit itinanggi ng Bureau of Immigrations at sinabing iisa lamang ang pasaporte niya.