Mariing pinabulaan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na ibinasura o tinuldukan na ng bansang The Netherlands ang aplikasyon nito ng asylum.
Ayon kasi sa naturang abogado na ang proceedings ng asylum nito ay kasasalukuyan pa ring nasa proseso taliwas sa mga kumakalat ngayon.
Kung saan binigyang diin ng dating tagapagsalita na walang ibang pwedeng makakuha ng impormasyon hinggil sa proseso nito.
Giit kasi niya na tanging Dutch government at siya lamang ang may access sa proceedings ng asylum application sapagkat may sinusunod umanong confidentiality.
Kaya’t bunsod nito’y kanyang itinuring na ang impormasyong kumakalat ngayon ay isang halimbawa ng fake news o pekeng balita lamang.
Habang sa kabila ng mga isyung ito, ipinagmalaki naman ni Atty. Harry Roque na kanya ng nakuha ang National ID mula sa bansang The Netherlands.
Dahil dito’y mayroon na siyang magagamit na identity card upang magsilbing legal proof ng kanyang pagkakakilanlan habang nananatili sa naturang bansa.
Si Atty. Harry Roque, dating presidential spokesperson ni former President Duterte ay maalalang ipinaaaresto ng hukom sa Pilipinas dahil sa kaso nitong may kinalaman sa illegal na operasyon ng POGO sa bansa.
Isa siya sa ilan pang mga hindi naaresto ng mga otoridad na may nakabinbing kinakaharap na mga kaso katulad na lamang nina Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag, Former Police Lt. Col. Rafaela Dumlao III at iba pa.
Kaya’t ang Department of Justice ay siyang inihayag ang pakikipag-ugnayan lalo na sa hepe ng Philippine National Police na si General Nicolas Torre III upang tuluyan ng mahuli ang mga pugante.