-- Advertisements --

Inihayag ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Secretary Jesus Crispin Remulla na tinanggihan umano ng bansang The Netherlands ang asylum application ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.

Sa isang pahayag, ibinahagi mismo ng naturang kalihim ng kagawaran na si Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroon raw siyang impormasyon na makapagsasabing ang aplikasyon nito ay denied.

Ayon pa sa kanya na ang kaso hinggil sa magiging resolusyon ng asylum application nito ay ipinasa na rin daw sa bansang Germany.

Kaya’t aniya’y maghihintay pa ang Department of Justice kung ano ang magiging resulta ukol rito at sinabing maaring makapaghain ng extradition kontra kay Atty. Harry Roque.

Ngunit dagdag pa ng kalihim na baka ito’y hindi na kailanganin pa dahil sa posibleng maikansela na ang pasaporte nito.

At sakaling kapag itinuring na bilang ‘undocumented alien’ ang dating presidential spokesperson ay maari ng pumasok rito ang International Criminal Police Organization.