Inirekomenda ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang agarang pagpapalikas ng mga Filipino na nasa Iraq.
Ayon a kalihim na nararapat na ilikas ang mga Filipino para hindi na sila madamay sakaling sumiklab ang kaguluhan.
Ang kalihim ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa Middle East para magkaroon ng koordinasyon sa Iran at Iraq.
Bago pa kasi naging kalihim ng DENR ay naging special envoy na sa Middle East si Cimatu sa ilalim ni Arroyo administration matapos magretiro sa pagiging AFP chief.
Dagdag naman ng kalihim, inirekomenda na nito ang pagtaas sa alert level four sa nasabing banta sa Middle East na ang ibig sabihin ay ang mandatory na sa pagpapalikas.
Tiniyak naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mabibigyan ng benepisyo ang mga OFW na mapapauwi.
Magugunitang napatay ng US drone strike si Iranian Military General Qasem Soleimani habang ito ay nasa Baghdad airport bagay na ikinagalit ng Iran.