-- Advertisements --
Pumanaw na ang actress na si Melanie Watson Bernhardt sa edad na 57.
Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si Robert ang pagpanaw ng actress sa bahay nila sa Colorado Springs.
Ilang araw din itong nanatili sa pagamutan dahil sa bleeding at mabilis ang paghina ng kaniyang katawan.
Isinilang ang actress na may osteogenesis imperfecta, isang uri ng sakit kung saan madaling mabali ang buto.
Nakilalal siya sa TV hit show na “Diff’rent Strokes” kung saan kasama siya sa apat ng kabuuang 189 episodes.
Natapos na rin ang acting career niya noong nagtapos na ang nasabing TV show.
Ikinasal ito kay Roger Bernhardt mula 1994 hanggang 1996.
Naging bahagi siya sa pagtaguyod ng charity Train Rite na tumutulong sa mga aso na magtrabaho bilang service animals.
















