-- Advertisements --

Natagpuang patay sa kanilang bahay ang legendary actor at director na si Rob Reiner at asawang producer na si Michele Singer Reiner.

Ayon sa Los Angeles Police Department na nakatanggap sila ng tawag na natagpuang patay ang mag-asawa sa Brentwod,California.

Nakita ng mga otoridad ang katawan ng 79 na actor-director na walang buhay.

Nakilala si Reiner gaya ng “The Princess Bride”, “A Few Good Men”, “When Harry Met Sally” habang ang asawa nito ay photographer at producer na nakatrabaho ang director.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga malalaking pangalan sa Hollywood matapos mabalitaan ang malungkot na balita.