-- Advertisements --

Pumanaw na ang TV at film director na si Monti Parungao sa edad na 58.

Kinumpirma ng kaniyang kaanak ang pagpanaw ng director nitong Setyembre 1.

Nagkaroon ng kumplikasyon mula sa colon cancer ang ikinasawi ng direktor na si Edgardo Puno Parungao III.

Noong Oktubre 2024 ng matuklasan nito ang kaniyang sakit.

Sumailalim sa operasyon noong Pebrero ngayong taon.

Ilan sa mga ginawa nitong pelikula ay “Brothers in Law” noong 2009; “Pulupot” noong 2010 at maraming iba pa.