-- Advertisements --

Pinagbawalan ng music charts ng Australia ang mga kantang gawa sa Artificial Intelligence.

Ayon sa Australian Recording Industry Association (ARIA) na ang nasabing hakbang ay para maisulong ang mga gawa ng mga tao.

Lumabas ang usapin matapos ang kontrobersya sa cover ng Australian DJ na si Josh Fawaz na “Like A Prayer” ni Madonna.

Ang nasabing kanta kasi ay umabot ng number 2 sa overall chart.

Pinapatugtog ang nasabing kanta sa mga radio stations at mayroong halos 50 milyon streams sa iba’t-ibang streaming platforms.

Sa inilabas na panuntunan na maaring gamitin pa ng tao ang AI subalit dapat ang kanta ay ginawa mismo nila at gamit ang kanilang boses at mga instrumento.