-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong South Korean actor na si Lee Soon Jae sa edad na 91.

Kinumpirma ito ng kaniyang mga kaanak subalit hindi na binanggit ang dahilan ng kamatayan nito.

Nagsimula ang acting ni Lee Soon Jae sa teatro noong 1956.

Taong 1960 ng maging bahagi sa KBS’s first class na na-recruit na actor at doon nagsimula ang kaniyang career sa telebisyon.

Lumabas ito sa mahigit 100 na mga tv at pelikula sa SouthKorea.

Siya ang tinagurian pinakamatandang aktor na nagwagi sa Korean drama awards.