-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong aktor at director na si William Mayo sa edad na 70.

Kinumpirma ito ng kaniyang na si Jerome sa pagpanaw ng ama nitong gabi ng Enero 27.

Nagkaroon umano ng problema sa colon ang aktor na sanhi ng pagbagsak ng kaniyang kalusugan.

Isinilang noong Disyembre 3, 1955 kung saan nagsimula siya bilang writer at direktor sa TV at pelikula noong dekada 80.

Nakilala siya sa mga paggawa ng mga action films gaya ng “Parehas ang Laban” noong 2001 na pinagbidahan ni Ian Veneracion; “Diablo Force” noong 1986 na pinagbidahan ni Jess Lapid Jr; “Col. Billy Bibit, RAM” noong 1994 na pinagbidahan ni Rommel Padilla at “Batas ang Katapat Mo” noong 1996 na pinagbidahan ni Patrick Dela Rosa.