Naghain si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng panukalang batas na layong palakasin ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) upang gawing mas epektibo at mas mabilis tumugon ang sistema ng deposit insurance sa bansa.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1667, palalawakin ang saklaw ng proteksiyon sa deposito, kabilang ang pagpapatupad ng differential insurance at pag-extend ng deposit insurance sa ilang non-bank financial institutions at mga produktong kooperatiba na itinuturing na deposito ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Cooperative Development Authority.
Layunin din ng panukala na pabilisin ang pagproseso at paglalabas ng deposit insurance claims upang agad na ma-access ng mga depositor ang kanilang ipon sakaling magsara ang isang bangko.
Pinapayagan din ng panukalang batas ang pansamantalang pagbibigay ng full deposit insurancecoverage o temporary blanket coverage kapag may banta sa katatagan ng sistemang pinansyal na babatay naman sa pagtukoy ng Monetary Board.
















