-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor na si Jerry Adler sa edad na 96.

Kinumpirma ito ng kaniyang kampo ang pagpanaw sa bahay nito sa Brooklyn subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.

Nakilala si Adler sa pagganap bilang si Herman “Hesh” Rabkin sa The Sopranos.

Bagamat sumikat ito sa mga teatro ay nagsimula ang kaniyang acting noong ito ay edad 60.

Nakasama niya ang ilang mga sikat na actress gaya nina Julie Andrews, Angela Lansbury at Richard Burton.

Nagtrabaho si Adler bilang stage manager, supervisor at director ng mahigit 50 Broadway productions.

Ipinasok siya ng sariling ama na nagtatrabaho sa industriya habang ito ay nasa unibersidad.

Siya ang nasa likod ng stage play na “My Fair Lady” noong 1956 na pinagbibidahan noon ng 20-anyos na si Julie Andrews at “Coco” noong 1969 na kasama sa cast si Kathryn Hepburn.

nagsimula siyang pumasok sa mundo ng telebisyon noong 1989 na humawak ng mga award winning program.

Sumabak din siya sa mga pelikula kabilang ang “Manhattan Murder Mystery” noong 1993 at “Getting Away with Murder” noong 1996.
Subalit sumikat ito sa serye ng “The Sopranos”.