-- Advertisements --

Pumanaw na ang singer at actor na si Dondon Nakar sa edad na 66.

Kinumpirma ng mga kaanak at mga kaibigan nito ang pagpanaw ng kilalang singer noong dekada 70.

Hindi naman na binanggit nila ang sanhi ng kamatayan ng singer-actor.

Nakilala siya bilang child actor sa pelikulang “Alaala ng Pag-ibig” noong 1971.

Kasama siya sa pelikulang “Darna and the Giants” kung saan siya ang batang kapatid doon ni Vilma Santos na si Ding noong 1973.

Isinilang noong Hulyo 26, 1959 ang actor-singer na may tunay na pangalan na si Guillermo Serafin L. Nakar III.

Kabilang siya sa grupong Apat na Sikat noong 1970 na pinangunahan ni Ike Lozada at ka-loveteam niiya si Winnie Santos ang kapatid ng actress na si Vilma.