-- Advertisements --
Sinuspendi ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 na araw ang driver’s license ng aktor na si Niño Muhlach.
Kasunod ito sa pagkakasangkot ng aktor sa aksidente sa Antipolo City na ikinasira ng ilang establishimento at ikinasugat ng isang indibidwal.
Naglabas din ng show cause order ang LTO bilang bahagi ng imbestigasyon sa insidente.
Inilagay din sa alarma ng LTO ang sasakyan na sangkot sa aksidente.
Itinakda naman ng LTO sa araw ng Biyernes, Agosto 28, na dapat ay personal na magtungo ang aktor para sa dagdag na imbestigasyon.
Una rito ay inamin ng aktor na ito ay nakatulog habang nagmamaneho dahil na rin sa sobrang pagod.
















