-- Advertisements --

Isinapubliko na ng actress na si Claudine Barretto ang relasyon niya kay Milano Sanchez ang kapatid ng TV host na si Korina Sanchez.

Unang nagpost sa kaniyang social media si Milano ng larawan nilang dalawa at mayroong matatamis na caption.

Dito sumagot naman ang aktress ng matamis din na caption.

Maraming fans naman ng dalawa ang natuwa at kinilig sa relasyon ng dalawa.

Magugunitang taong 2013 ng maghiwalay ang aktres sa dating asawang si Raymart Santiago.