-- Advertisements --

Bumisita sa Malacanang ang actor na si George Clooney at asawang international human rights lawyer na si Amal.

Nakasalamuha ng dalawa sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Marcos.

Kabilang sa tinalakay ang pagpapalakas ng press freedom at ang paggamit ng artificial intelligence para sa malawak na access sa hustisya.

Tiniyak naman ni Marcos na kaniyang pag-aaralang ang paggamit ng responsable at pagkakaroon ng regulasyon sa paggamit ng AI.

Natitiyak din n pangulo na napoprotektahan ang press freedom sa bansa.

Kabilang ang mag-asawang Clooney sa panauhin ng Social Good Summit 2025 na ginanap sa lungsod ng Pasay.