Pumanaw na ang German actor na si Udo Kier sa edad na 81.
Kinumpirma ito ng kaniyang partner na si Delbert McBride subalit hindi na binanggit ang dahilan ng kamatayan nito.
Matapos sumikat sa mga horror movies noong mid-1970 ay naging kontrabida din ito sa mga pelikula.
Sa mahigit na anim na dekada ay nakasama siya mahigit 250 na pelikula.
Napabilang din ito sa Hollywood movies na “Ace Ventura: Pet Detective”.
Isinilang si Kier noong 1944 sa Cologne, Germany noong World War II ilang oras bago ang pagtama ng bomba sa sa pagamutan kung saan ito isinilang.
Iniligtas pa siya at ng kaniyang ina sa mga gumuhong bahagi ng pagamutan.
Noong lumipat ito sa London sa edad na 18 ay nadiskubre siya ng British singer na si Michael Sarne sa isang coffee shop at isinali siya sa pelikula.
Taong 1973 ng nakasama ito sa horror movie na “Flesh for Frankenstein” at “Blood for Dracula”.
Nanirahan na ito sa Palm Springs, California at namuhay ng simpleng pamumuhay.
















