May dalawang torneo pang lalahukan ngayong buwan si Pinoy pole vaulter EJ Obiena.
Ito ay matapos na magkamit siya ng bronze medal sa INIT Indoor Meeting Karlsruhe sa Germany nitong Lunes ng umaga.
Ang nasabing tagumpay ay ilang araw lamang ang pagitan ng magwagi ito ng gintong medalya sa Asian Indoor na ginanap sa China.
Sinabi ni Obiena na ang paglahok sana niya sa Germany ay muntik ng hindi matuloy dahil sa problema sa scheduling at pagbiyahe.
Subalit sa tulong ng Embahada Pilipinas ay naresolba ang ilang usapin kaya nakapaglaro ito sa kumpetisyon sa Germany.
Sa ngayon ay mag-re-regroup muna sila ng kaniyang coach para tignan ang lagay ng katawan dahil sa naging matinding biyahe para sa dalawang torneo.
Hindi pa rin nito tiyak kung makakasabak ito sa torneo sa France sa darating na Pebrero 19 at sa Poland sa darating na Pebrero 22.















