-- Advertisements --

Ibinunyag ng Hollywood actress na si Jennifer Lawrence na minsan na rin itong tinanggihan sa pelikula dahil sa kaniyang anyong panlabas.

Sinabi nito na noong 2019 ay nag-audition ito para makasama sa pelikulang “Once Upon a Time.. In Hollywood” subalit tinanggihan ito dahil sa hindi umano ito gaanong kagandahan.

Mula noon aniya ay tinandaan na niya ang nasabing production company.

Kaya sa tuwing may nag-aalok sa kaniya na gumawa ng pelikula ay mabusisi itong tinitignan ang mga producer para hindi siya mapasok sa mga red flag sa kaniya na mga production company.

Ilan sa mga pelikula kung saan ito nakilala ay ang “X-Men” , “Hunger Games” at maraming iba pa.