-- Advertisements --
Nakapag-kumpiska na ang Philippine National Police (PNP) ng nasa P1.224 milyon halaga ng mga iligal na paputok ilang araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon sa PNP , na mayroong 79,953 na mga iligal na paputok ang kanilang nakumpiska.
Nakumpiska ang mga ito sa palengke, sidewalk vendors at checkpoints.
Bawat regional office din ng PNP ay nagsasagawa na rin ng mga pagsira sa mga nakumpiskang paputok para hindi na ito magamit pa.















