-- Advertisements --

Umabot na sa 112 ang kaso ng pinsala mula sa paputok mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 28, 2025.

Ayon sa Department of Health, mas mababa ito ng 26% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, tanda ng epektibo umanong kampanya laban sa paputok.

Pinakamaraming kaso ay mula sa National Capital Region, kasunod ang Ilocos Region, Central Luzon, at Western Visayas.

Karamihan sa mga biktima ay mga batang lalaki edad 5 hanggang 14, na madalas gumagamit ng mga paputok gaya ng Piccolo, Kwitis, at 5-Star.

Bukod sa paputok, naitala rin ang 376 aksidente sa kalsada at 190 kaso ng noncommunicable diseases tulad ng stroke, heart attack, at asthma.

Ayon sa DOH, mas madalas tamaan ng stroke at heart attack ang mga lalaki, habang mas karaniwan ang asthma sa mga babae.

Patuloy na nananawagan ang DOH sa publiko na umiwas sa paggamit ng delikadong paputok at piliin ang ligtas na alternatibo upang maiwasan ang pinsala ngayong Kapaskuhan.