-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na may limang katao ang namatay dahil sa stroke at heart attack sa panahon ng 2025 holiday season.

Ayon sa ahensiya, tatlo ang pumanaw dahil sa stroke at dalawa bunsod ng acute coronary syndrome.

Ang stroke ang pinaka-karaniwang kondisyon na naitala, kasunod ang acute coronary syndrome at bronchial asthma, karamihang naitala sa mga batang edad 0–9 na taong gulang.

Karamihan naman sa stroke at heart attack cases ay nasa edad 60–69.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng DOH ang kahalagahan ng maagang pagtugon sa sintomas at agarang medikal na aksyon.

Pinayuhan din ang publiko na iwasan ang labis na pagkain, alak, sigarilyo, at stress, panatilihin ang normal na presyon ng dugo, maging physically active, at siguruhing handa ang gamot at inhalers para sa mga batang may asthma.

Para sa emergency, maaaring tumawag sa 911 o 1555 DOH Emergency Number.

Ayon sa DOH, ang preventive habits at mabilis na tugon ang susi sa pag-iwas sa kamatayan mula sa non-communicable diseases.