-- Advertisements --

Pumalo sa 6 ang bilang ng namatay sa isang aksidente ng bus sa Del Gallego, Camarines Sur isang araw pagkatapos ng pasko.

Batay sa unang datos na inilabas ng pulisya, 4 ang naitalang nasawai sa pinangyarihan mismo ng aksidente at ngayon ay nadagdagan ito ng 2 pa.

Ayon kay Police Captain Bernie Undecimo, chief of police ng Del Gallego Municipal Station, binawian ng buhay ang isang biktima noong sabado at ang isa naman ay madaling araw ng Linggo sa Bicol Medical Center matapos magtamo ng mga seryusonh pinsala sa buong katawan dahil sa malakas na impact nang pagkakahulog ng bus.

Sa inisyal na report na inilabas ng Pulisya, nangyari ang aksidente bandang alas-2 ng madaling araw sa Barangay Magais, galing umano ang bus sa Quezon City at babyahe papuntang Sorsogon. habang nahulog naman ito sa tinatayang 26 hanggang 30 metro ang lalim, kung saan nakatulong umano ang mga puno sa baba ng bunok kung saan ito naaksidente para hindi na ito tuluyan mapunta sa pinakaibaba.

Ayon sa puliysa posibelng nakatulog ang diver ng bus kung kayat nalaglag ito sa bagin.

Samantala, kasalukuyan nang nagpapagaling ang diver sa ospital matapos magtamo ng mga malubhang pinsala sa katwan. binabantayan ito ng kapulisan dahil sa patong-patong na kaso nito. habang tuloy-tuloy parin ang pag tulong ng bus company sa mga biktima.