-- Advertisements --
Umatras na sa paglalaro sa WTA 1000 event sa Dubai sina Aryna Sabalenka at Iga Swiatek.
Inanunsiyo ng organizers ng nasabing event kung saan mula ng Australian Open ay hindi naglaro pa si Sabalenka ng matalo siya kay Elena Rybakina sa finals.
Humingi ng paumanhin sa kaniyang fans ang Belarusian tennis star na si Sabalenka kung saan hindi ito 100 percent na handa kaya babawi na lamang ito sa susunod taon.
Paliwanag naman ni Swiatek na nagkaroon ng problema sa schedule kaya hindi ito nakapaglaro sa Dubai Open.














