-- Advertisements --

Ganap nang inaprubahan ng Bicameral Conference Committee ang P6.793 trilyong pambansang budget para sa 2026.

Nilagdaan ng mga kinatawan mula Senado at Kamara ang bicameral report matapos ang deliberasyon sa PICC, Pasay City.

Ayon kay House Appropriations Chair Mikaela Suansing, nakatuon ang badyet sa human capital development at transparency.

Binanggit naman ni Senate Finance Chair Sherwin “Win” Gatchalian na malaki ang alokasyon para sa edukasyon, kalusugan, at agrikultura.

Unang pagkakataon na isinagawa nang bukas sa publiko ang bicam deliberations sa pamamagitan ng livestream.

Layunin nitong maiwasan ang mga anomalya at dagdagan ang tiwala ng taumbayan sa proseso ng badyet.

Iraratipika ng Senado at Kamara ang bicameral report sa Disyembre 29.

Inaasahang pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang General Appropriations Act sa unang bahagi ng Enero 2026.