-- Advertisements --
Dumating sa Saudi Arabia si Chinese President Xi Jinping para pagtuunan ng pansin ang enerhiya.
Sinalubong ito nina Saudi Foreign Minister Prince Faisal bin Farhan at Riyadh Governor Prince Faisal bin Bandar mula sa paliparan.
Nagtungo ang Chinese president sa Riyadh ang capital ng Saudi para sa tatlong araw na pagbisita.
Ilan sa mga aktibidad na isasagawa nito ay ang pakikipagpulong sa mga lider ng Saudi at ilang mga Arab leaders.
Ito na ang pangatlong pagkakataon na paglabas sa China ni Xi mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2019.
Huling bumisita ito sa Saudi Arabia ay noong 2016 kung saan magkakaroon ito ng bilateral meetings kina Saudi King Salman at Crown Prince Mohammed bin Salman.