-- Advertisements --
Naglabas ng tsunami advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo 30, matapos ang magnitude 8.6 na lindol na yumanig sa baybayin ng Far East Russia.
Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang tsunami waves na mas mababa sa isang metro ang taas sa mga sumusunod na lugar sa pagitan ng ala-1:20 ng hapon at alas-2:40 ng hapon sa mga lalawigan ng:
- Batanes Group of Islands
- Cagayan
- Isabela
- Aurora
- Quezon
- Camarines Norte at Sur
- Albay
- Sorsogon
- Catanduanes
- Northern at Eastern Samar
- Leyte at Southern Leyte
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte at Sur
- Davao del Norte, Oriental, Occidental, del Sur, at de Oro
Pinapayuhan ng Phivolcs ang publiko sa mga nabanggit na lugar na manatiling alerto sa mga hindi pangkaraniwang alon, huwag lumapit sa dalampasigan, at lumayo sa mga baybaying lugar hangga’t hindi binabawi ang abiso.
Partikular na pinayuhan ang mga nakatira malapit sa baybayin na lumikas patungong mas mataas na lugar bilang pag-iingat.