-- Advertisements --

Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng publiko sa posibleng tsuinami makaraang yanigin ng magnitude 8.0 na lindol ang Russia.

Nabatid na naitala ito kaninang alas-7:25 ng umaga sa silangang baybayin ng Kamchatka.

May lalim itong 74 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa Phivolcs patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon kahit walang inisyal na banta ng malalaking alon sa ating dalampasigan.

Gayunman, sa hiwalay na data ng US Geological Survey (USGS), may 0.3 hanggang 1 metrong alon na maaaring umabot sa Pilipinas, kasunod ng malakas na lindol sa Russia.