-- Advertisements --

Naghain ngayong araw ng petisyon si Atty. Ferdinand Topacio sa Korte Suprema laban kay Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Lorenzo ‘Larry’ Gadon.

Kanyang inihain ang partikular na petisyon para sa ‘indirect contempt’ kontra kay Secretary Larry Gadon kaugnay sa inilabas na deklarasyon ng Kataastaasang Hukuman.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, ang petisyong ito ay bunsod ng mga pahayag ng naturang kalihim na umano’y hindi angkop o nakapambabastos sa Judiciary o Korte Suprema.

Maaalalang idineklara ng Supreme Court ang ‘articles of impeachment’ na ‘unconsitutional’ na siyang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa publiko.

Kasabay niyang dumating sa tanggapan ng korte ang iba pang mga petitioner at ilang mga grupo ng rallyista na naghain din ng kaparehong petisyon.

Kaya’t ang kasalukuyang chairman ng Duterte Youth Party-list na si Ronald Cardema, ay inihayag ang pagsuporta sa naturang mga inisyatibo.

Habang kasabay din nito ang kanyang nais na mapakasuhan din ang iba pang mga kontra sa deklarasyon ng Korte Suprema.

Partikular niyang binanggit si Kabataan Party-list Representative Renee Co na nais niyang maharap sa kahalintulad na ‘contempt case’.