Nakaabang pa rin si Sen. Tito Sotto sa magiging pahayag ng House of Representatives (HOR) ukol sa isyu bilang miyembro ng impeachment court na lilitis kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa kanya, may legal na opinyon siyang natanggap na maaaring isantabi ang desisyon ng Korte Suprema, ngunit nais pa niyang pag-aralan ito nang mas maigi.
Samantala, si Senador Bam Aquino ay matatag na naninindigang dapat ipagpatuloy ang impeachment trial.
Binigyang-diin ni Aquino ang pagiging co-equal branch ng Senado at ang malinaw nitong mandato sa Saligang Batas.
Aniya, dapat irespeto ang proseso ng impeachment bilang bahagi ng kapangyarihan ng institusyon.
Nanawagan si Aquino sa kanyang mga kapwa senador na magsagawa ng caucus upang pag-usapan ang desisyong tila binabalewala ang kanilang konstitusyonal na tungkulin.
Sa kabuuan, kapwa nagpapahayag ng pag-aalala at pagsisiyasat ang mga senador ukol sa epekto ng SC ruling sa kapangyarihan ng Senado.