Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng Luzon ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo 30, 2025, dahil sa patuloy na epekto ng masamang panahon.
Saklaw nito ang iba’t ibang antas ng pampubliko at pribadong paaralan.
MGA LUGAR NA KANSELADO ANG KLASE:
Abra: Licuan-Baay – lahat ng antas
Benguet: Walang physical classes mula preschool hanggang elementary
La Trinidad: Walang physical classes mula preschool hanggang senior high school
LA UNION
Bauang – lahat ng antas (Hulyo 30 hanggang Agosto 1)
San Fernando – Kinder hanggang senior high school
PAMPANGA
Masantol – lahat ng antas (Hulyo 29–Agosto 1)
San Simon – walang physical classes (maliban sa Concepcion Integrated School)
Sto. Tomas – walang physical classes
PANGASINAN
Maraming bayan tulad ng Alaminos, Bolinao, Dagupan, at San Carlos – suspendido ang klase sa lahat ng antas
Lingayen at Aguilar – walang physical classes mula Kinder hanggang Grade 12
Inaabisuhan ang publiko na mag-monitor sa opisyal na mga anunsyo para sa karagdagang update.