Nag-alok ang China sa mga South Asian countries ng tulong para makakuha ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Chinese foreign minister Wang Yi na hindi dumalo ang India sa regional video-conference sa nasabing usapin kaya hindi agad nakapagbigay ng tulong sa nararanasan nilang paglobo ng kaso ng COVID-19.

Ilan sa mga bansang dumalo ay ang Nepal, Sri Lanka, Pakistan, Afghanistan at Bangladesh.

Inimbitahan nila ang India subalit wal itong tugon.

Handa aniya ang China na magtayo ng emergency supply reserve ang China sa South Asian countries para tuluyang malabanan ang COVID-19.