-- Advertisements --
Nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Jay Ruiz na naimbitahan lamang siya sa kaarawan ng isang social media content creator kung saan kuha ang lumabas na larawan niya kasama ang dating tauhan ng negosyanteng si Atong Ang na isinasangkot sa pangkawala ng mga sabungero.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na batay sa pag-uusap nila ni Ruiz ay pinaunlakan lang daw nito ang imbitasyon.
Pero hindi na anya kontrolado ng kalihim kung sino ang iba pang naimbitahan sa naturang okasyon.
Batay sa lumabas na mga larawan, kasama ni Alan Bantiles sina Ruiz at maging sina Sen. Erwin Tulfo at Chavit Singson sa magkakahiwalay na okasyon.