Inihayag ng legal counsel ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. ang pagpayag ng Manila Regional Trial Court Branch 12 na padaluhin na lamang ito sa pagdinig sa pamamagitan ng online video conferencing.
Ayon sa ibinahagi ni Atty. Ferdinand Topacio, pinahintulutan ng naturang korte na hindi dumalo ng pisikal ang dating kongresista sa nakatakda nitong pagbasa ng sakdal at pagdinig sa kaso.
Bunsod ito ng kasalukuyan pa ring kondisyon ni Teves matapos ang isinagawang operasyon na ‘appendectomy’ dahil sa luhang pananakit ng tyan.
Dahil dito’y na-reschedule ang naturang arraignment at pre-trial sa susunod na buwan ng Hulyo para sa inaasahang pagdalo ng dating kongresista.
Sa kasalukuyan ay kanya pa ring kinakaharap ang mga patung-patong na kasong may kinalaman sa llegal possession of explosives and firearms at murder.
Itinuturo kasi siya bilang ‘mastermind’ umano sa naganap na madugong pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.