-- Advertisements --

Hiniling ng abogado ni Charlie “Atong” Ang na huwag isama ang negosyante sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa ginagawang pagsampa ng petisyon sa Department of Justice (DOJ) ni Atty. Gabriel Villareal, nanindigan ito na walang kinalaman ang kaniyang kliyente sa kasong kidnapping at serious illegal detention na nakasampa sa Manila Regional Trial Court.

Dagdag pa nito na ang akusasyon kay Ang ay nagmula sa pagbawi ng salaysay ni Julie Patidongan.

Malinaw aniya na sa pagbawi ni Patidongan sa salaysay nito na hindi utak sa nasabing krimen si Ang.

Pinagtatakahan din nila kung bakit nagbago ang isip ng DOJ na kasuhan si Patidongan at ngayon ay lumalabas na tila hahayaan nila siya na idiin sa kaso si Ang.

Nagbunsod ang kaso sa pagkawala ng mga sabungero kung saan ang itinuturo ay si Ang.

Itinanggi ni Villareal kung nasaan ngayon si Ang basta naniniwala siya na nasa Pilipinas pa rin ito.