Pinagsabihan ng China ang US na huwag silang makialam sa problema ng kanilang bansa.

Mismong si Chinese top diplomat Yang Jiechi ang nag-atas kay US Secretary of State Mike Pompeo ng sila ay magkausap sa telepono.

Tinutukoy ng Chinese official ang pagpasa ng US ng Uighur Human Rights Policy Act of 2019 at ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019.

Ang nasabing panukalang batas aniya ay malinaw na nilabag ng US ang international relations.

Dahil dito ay hinikayat niya ang Washington na ayusin ang kanilang pagkakamali.