-- Advertisements --

Ibinunyag ni US President Donald Trump na pumayag na ang Israel sa isinusulong nilang ceasefire sa Gaza.

Sinabi ni Trump kanilang inaayos na ang mga conditions para maisapinal ang 60-araw na ceasefire sa Gaza.

Dagdag pa nito na hindi sila magsasawa na magtrabaho sa lahat ng mga panig para matapos na ang giyera.

Umaasa din na ng US President na tumugon na rin ang Hamas dahil magiging malalala pa lalo ang sitwasyon sakaling tumanggi ang Hamas.

Inamin naman ng opisyal ng Hamas na ang nasabing proposal ay isang binago sa naunang ceasefire na unang inalok noong Hunyo.

Agad silang tutugon sa ceasefire kapag ma-garantiya ang panunupil ng Israel at tuluyan din nilang tanggalin ang mga sundalo nila.