-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang bagong trade deal nila ng bansang Vietnam.

Sinabi nito na sisingilin na lamang ng US ng 20 percent na taripa ang lahat ng mga produkto na galing sa Vietnam.

Ito ay magiging epektibo sa susunod na linggo kung saan bahagi ito ng reciprocal tariff.

Nakasaad sa nasabing kasunduan na walang sisingilin ang Vietnam na taripa sa mga produkto ng US.

Magugunitang maraming mga bansa ang nagkukumahog na makipagkasundo sa US bago ang pagtaas ng US ng taripa nito.