Nagpahayag ng suporta ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga obispong kinasuhan ng sedition na may iniuugnay ang mga ito sa tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni CBCP President Romulo Valles, suportado nila sa mga obispo ngayong panahon na humaharap sila sa pagsubok.

Nanawagan din si Valles sa mga mananampalataya na magdasal para malampasan ng mga obispo ang kanilang pinagdaranan.

Magugunitang idinawit sa kaso sina Lingayen Archbishop Socrates Villegas, Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani.