-- Advertisements --
Sumama na ang dalawang lider ng simbahan sa panawagan sa Senado na dapat ituloy na ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, na ang pag-aantala ng pagdinig ay tila pumipigil sa katotohanan.
May karapatan ang mamamayan na malaman ang katotohanan na naayon sa batas at ebidensiya.
Itinuturing niya na isang pagnanakaw ang hindi ipapaalam sa tao kung ano ang katotohanan.
Habang sinabi rin ni Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pangulo ng Caritas Philippines,na dapat agad na tugunan ng Senado ang panawagan na simulan ang pagdinig ng may integridad at pagsunod sa batas.