Casimero Vs Rigondeux
Casimero and Rigondeaux/ FB image

Itinakda sa buwan ng Agosto ang laban ni John Riel Casimero kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba.

Nakataya sa laban sa Agosto 14 ang WBO bantamweight title at WBO “regular” bantamweight crown.

Kapag manalo si Casimero sa laban ay malaki ang tsansa nito na makaharap si Japanese boxer Naoya Inoue.

Tiniyak ni Casimero na kaniyang patutumbahin si Rigondeaux para makaharap si Inoue.