-- Advertisements --

Naglabas ng bagong panuntunan ang National Food Authority (NFA) sa pagbili ng mga palay.

Ang nasabing panuntunan ay pirmado ni Agriculture Secretary at NFA Council chairman Francis Tiu Laurel ay naglalayon na mapagtibay ang transparency.

Alinsunod din ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magkaroon ng tiyak at patas na presyo sa mga magsasaka para mapataas ang kanilang kita.

Nakasaad sa nasabing bagong panuntunan na tanging mga berepikadong magsasaka na nakalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) o kinikilala ng local government units ang papayagan na magbenta ng palay sa NFA.

Kada regional branch ng ahensiya ay inaatasan na masumite at mag-display ng buwanang listahan na nagdedetalye ng mga pangalan ng sellers at ang dami ng mga palay na naideliver.