-- Advertisements --

Umaasa si Mexican boxer Canelo Alvarez na pumayag ng rematch si US boxer Terrence Crawford.

Kasunod ito sa pagkapanaloni Crawford ng unanimous decision sa kanilang welterweight title fight.

Sinabi ni Alvarez, na isa ng kasaysayan ang nasabing laban at magiging maganda pa ito lalo kung maulit at handa itong lumaban.

Napaiyak si Crawford ng ianunsiyo ni Michael Buffer na ito ay nagwagi kung saan pumabor sa kaniya ang mga judges matapos ang 12-round.

Pinuring dalawa ang isa’t-isa dahil sa ipinamalas nilang lakas sa boxing ring.

Itinuturing kasi na ito na ang pinakamalaking boxing match na ginanap sa US mula ng talunin ni Floyd Mayweather si Manny Pacquiao.

Ang 37-anyos na si Crawford ay naging world champion sa limang division at siya rin ang unang lalaking boksingero sa four-belt era na kinoronahan undisputed champion sa three weight classes ang junior welterweight, welterweight at super middleweight.

Ito rin ang unang pagkakataon natalo ang 35-anyos na si Alvarez sa super middleweight sa loob ng 12 fights.

Mayroong record si Alvarez na 63 panalo, tatlong talo at dalawang draw na mayroong 39 knockouts habang si Crawford ay mayroong 42 panalo wala pang talo at mayroong 31 knockouts.