Inanunsiyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na magsasagawa ito ng self-quarantine sa bahay.

Ito ay matapos na makitaan ng sintomas ng coronvirus ang kaniyang asawa.

Ayon sa kampo ng Prime Minister, galing sa United Kingdom si Sophie Gregoire Trudeau dahil sa isang speaking engagement.

Nitong Miyerkules ng gabi ay nakaranas ito ng trangkaso at sintomas na kahalintulad ng COVID-19.

Hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa asawa ng Canadian Prime Minister.