-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni tennis star Alex Eala sa Ilkley Open sa United Kingdom.

Ito ay matapos na talunin siya ni Rebecca Marino ng Canada sa score na 1-6, 6-0, 7-6 (7-4).

Sa unang set ay dominado ni Eala ang laro kung saan umabot lamang sa 30 minuto bago makuha ang panalo.

Pagpasok ng second ay set ay doon na umarangkada ang 34-anyos na si Marino.

Pagdating sa third set ay naitabla pa ng 20-anyos na si Eala ang scores subalit hindi pinabayaan ng ranked 107 ang laban at tuluyang inilampaso si Eala.

Susunod naman na laban ni Eala ay sa Wimbledon na gaganapin sa darating na Hunyo 30.