-- Advertisements --
Pinulong ni US President Donald Trump ang kaniyang national security team.
Ayon sa White House na isa sa mga tinalakay nila ay kung papalawigin nila ang pagsali nila sa lumalalang tensiyon sa pagitan ng Iran at Israel.
Hindi na nagtagal sa Canada si Trump kung saan dumalo pa ito sa G7 summit.
Magugunitang una ng sinabi ni Trump na hindi sila muna sa ngayon target si Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamene.
Giit nito na alam niya kung saan ang kinaroroonan ng Supreme leader ng Iran.
Magugunitang pinaigting ng Israeli Defence Force ang kanilang pag-atake sa Iran dahil sa pagpapalago ng kanilang nuclear weapons.