-- Advertisements --

Agad na tinapos na at hindi na nagkaroon pa ng interest si US President Donald Trump ng trade-talk sa Canada.

Kasunod ito sa pagpapatupad ng Canad ng digital service tax sa technology companies mula sa US.

Sinabi ni Trump na ang pagbubuwis na ito ng Canada ay isang direktang pag-atake sa US kaya agad niyang pinuputol ang anumang trade talk sa Canada.

Dagdag pa nito na sa mga susunod araw ay malalaman kung magkano ang mga taripa na ipapataw ng US sa Canada.

Sa Digital Service Tax Act ng Canada , na sisingilin nila ang tatlong percent ang mga digital services.

Magsisimula ang paniningil ng Canadian federal government sa Hunyo 30.