-- Advertisements --

Muling nagbigay ng matinding pahayag si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu laban kina UK Prime Minister Sir Keir Starmer, French President Emmanuel Macron, at Canadian Prime Minister Mark Carney.

Inakusahan niya ang mga ito ng pagsuporta sa Hamas matapos nilang punahin ang mga aksyon ng Israel sa Gaza.

Ayon kay Netanyahu, ang mga lider ng Britain, France at Canada ay tumatangkilik sa “mass murderers, rapists, baby killers, and kidnappers” na kabilang sa Hamas.

‘I say to President Macron, Prime Minister Carney and Prime Minister Starmer, when mass murderers, rapists, baby killers and kidnappers thank you, you’re on the wrong side of justice,’ pahayag ni Netanyahu.

Nag-ugat ang pahayag ni Netanyahu sa kanilang mga komento na tinutuligsa ang operasyon ng Israel sa Gaza bilang “disproportionate” at nagsasabing nagdudulot ito ng “intolerable” na humanitarian crisis.

Samantala, hindi pa direktang tumugon ang Downing Street sa mga akusasyon, ngunit ipinunto nila ang naunang pahayag ni Sir Keir Starmer na tinuligsa ang antisemitism at ang pag-atake sa Washington DC.

Mababatid na ang alitan ay nag-ugat mula sa patuloy na nararanasang sigalot sa Gaza, kung saan tinatayang mahigit 53,000 katao na, kabilang ang mga bata, ang nasawi mula noong Oktubre 2023.