-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng panibagong world record si Canadian swimmer Summer McIntosh.

Nabasag nito ang 200-meter individual medley world record.

Mayroon kasing 2:05.70 na nahigitan ang 2:06.12 na naitala ni Katinka Hosszú ng Hungary noong 2015.

Sinabi ng 18-anyos na swimmer na ito ang record na nais niyang mahigitan mula ng sumali sa mga trials competition noong nakaraang taon.

Noong 2024 Paris Olympics ay nagwagi siyia ng gold medal sa 200m individual medley.